Wednesday, March 25, 2009

Dahil marami tayong bagay na pinapalampas...

Astig talaga mga dinosaurs. Kasi ang lalaki nila eh. Tapos para silang killing machines. Pano kung may dinosaur talaga na cyborg. So killing machine machine. That's like 2 times more astig. Dapat ang Japan gumawa ng dinosaur na robot na gumagalaw talaga. Pero yung mga good dinosaurs lang. Parang brontosaurus. Tapos lalagay nila sa isang cyber zoo. Merong robot na tao, robot na ipis, robot na daga, robot na isda, robot na ibon, robot na gagamba, robot na elephant, robot na giraffe, lahat robot. Tas main attraction yung robot dinosaur. Kahit isa lang siya. Mahilig kasi ako sa dinosaurs nung bata ako e. Maraming beses ko pinanuod ang Jurassic park nuon kasi sobrang astig ng mga dinosaur. Bat kaya ganun. Kung ano yung astig para sayo palaging wala na. Palaging patay na o extinct. Or dahil lang ba sila nagiging astig kasi extinct na? Kasi patay na? Kailangan pa ba natin hintayin mamatay mga bagay bago natin maapreciate? Think about it. Yeah. Oh yeah.

Monday, March 23, 2009

Pagkain na napakalupit sobrang kailangan niyo mabasa to tangina

Tapos na ang pasukan. Malamang di lang ako nagbblog tungkol sa ganito. Parang di ako makapaniwalang wala nanamang pasok. 'Di ko pa tuloy maenjoy ng todo. Pero ok lang. Magssink in din sakin to. Ngayong summer gusto ko kumain ng ibat ibang klase ng pagkain. Gusto ko ng mga pinoy na pagkain na karne. Ayoko ng gulay. KARNE. Hindi karne na bastos, pero KARNE. As in BAKA or BABOY. Hindi KARNE ng TAO. Sige balik tayo. Gusto ko ng Caldereta na may cheese. Gusto ko ng maasim na maasim na sinigang na baboy or sinigang na baka. Gusto ko ng Kobe beef steak na may mashed potatoes sa tabi. Gusto ko ng Charcoal grilled hotdogs on a stick. Gusto ko ng Chicken terriyaki. Gusto ko ng beef gyudon. Gusto ko ng Ham and Egg sandwich na may cheese. Gusto ko ng double quarter pounder with cheese. Gusto ko ng cheese. Gusto ko ng pagaking tunay. Gusto ko masarap. Gusto ko pag hiningi ko handa na ibigay. Gusto ko pag kinain ko para akong nasa ulap. Gusto ko ng karneng napakalambot. Yung parang lumalabas pa yung katas. Gusto ko yung kanin sa pandan nakabalot. Gusto ko para akong kumain sa labas. Gusto ko yung savory yung lasa. Gusto ko karneng karne talaga. Gusto ko kainin lahat magisa. Gutom na ko. Tangina.

Wednesday, March 18, 2009

Chooooaoooaoaoaong

Malapit na matapos ang paghihirap ko. Bukas at sabado nalang, malaya nanaman, summer nanaman, kalokohan nanaman, barkada nanaman, inom nanaman, tambay nanaman, lahat nanaman. Every time parating na ang bakasyon parang napaka exciting. Naiimagine ko na gising ako hanggang 5 na umaga, nanunuod ng TV with my friends like I used to. Or minsan naman, nostalgic ako sa mga bahay ng kaibigan ko na tinatambayan ko dati tuwing summer. Or naaalala ko na nung summer nung taon na to ganito ganyan ginawa ko tas parang ang sarap nung feeling. Pero pag summer na talaga, di mo na nararamdaman yung ganung sarap. Parang wala lang. Okey, summer na, wala akong pera kasi walang baon, mga kaibigan ko asa ibang lugar nagbabakasyon kasama pamilya blah blah blah. Parang pag wala kang magawa sa iisang araw ng summer, parang ang laking kasayangan.

Sana may device na nagccapture ng nararamdaman ng isang tao at the moment. Kasi pag naaalala ko yung mga summer dati, parang napakasaya nung feeling. Pero pag iisipin ko talaga, hindi naman talaga ganun kasaya, parang lang. Kasi nakaraan eh. The best feeling in life is yung mga nakaraan. Kaya sana nga may ganung device. Para pag may current kang nararamdaman, pwede mo icapture gamit yung machine na yun. Tapos a few years into the future pag may naalala kang memory, pwede mo gamitin yung device para mafeel ulit yung feeling na nafeel mo dati. Ang saya siguro nun. Hinding hindi mo na makakalimutan mga feeling na nangyari sayo. Like yung feeling nung sinagot ka ng gelpren mo, or yung feeling nung kinasal ka, or yung feeling nung  pinanganak yung una mong anak, nung time na naospital ka, nung tinuli ka and all other feelings na once in a lifetime. Gusto ko sila icapture lahat. Kahit macapture ko lang yung feeling pag gumraduate ako. Tas pwede mo rin pala sana ishare yung feelings mo gamit yung device sa ibang tao para mafeel din nila. Kunwari gumraduate ako, tas maccapture ko yung feeling gamit yung device. Pag magkaanak na ako, ipapafeel ko sakanya yung feeling para mapursige siyang gumraduate. Edi yun. Masaya na lahat. SCHOOL SUCKS.

Tuesday, March 17, 2009

Finals week = SEX

Grabe finals week na to. Parang walang katapusan. After ko matapos isang trabaho may isa pa pala. Parang test of strength. Patagalan talaga. Kakayurin ka talaga ng lahat ng subjects. Pipigain ka parang isponja. Pero kung tutuusin, para siyang sex. Kasi nakakapagod siya habang ginagawa mo pero at the same time nageenjoy. Well, pag plates not really. Pero pag natapos na, pag umabot na sa dulo, sobrang sarap ng pakiramdam. Kahit nanghihina ka na at nangingisay ngisay na tuhod mo, masarap parin. Para siyang pagod na satisfaction ang dating. Sa halip na malungkot ka sa pagod, natutuwa ka kasi ang sarap eh. As in sobrang sarap. Shet. Isipin ko nalang finals week is a week of non-stop sex. Sa dulo yung pinakamasarap na part so kailangan ko kayurin sarili ko para maabot yun. Yes. That's a great idea Bombee.

Sunday, March 15, 2009

Sundae

Hey. I just got home from church. Yes, church. As in bahay ni god. I'm still sleepy since I woke up at 6am. I slept at around 2am last night because I went to the Journey concert. And now I have a lot to do. As in A LOT. Tangina. Sana meron akong slave. Tapos uutusan ko siya gumawa ng lahat ng plates ko for school. Pero syempre dapat yung slave ko artistic. Parang si Mark Cabe na kasama ko ngayon. Pwede ko siya gawing slave. Hindi sex slave. Slave lang plain and simple. I'd saylike, "Mark pwede ba kita maging slave?" Tas he'd say like, "No way negro!" Tas I'd go like, "TANGINA PAPAYAG KA O HINDE!? PUPUTULIN KO YANG ETITS MO!" Tas papayag na si Mark maging slave ko. Gagawin na niya lahat ng plates ko parati. Tas pag gusto ko ng pancit canton, uutusan ko siya bumili sa tindahan na may brip sa ulo tas gagawin niya. Tas papaluto ko sakanya tas kakainin ko habang pinapanuod niya ako kumain tas sarap na sarap ako. Saya nun o. Anyway, yun nga marami pa akong gagawin. Pero Inuuna ko tong blog na to. Feeling ko kasi since bago blog ko, obligado akong sulatan. Pero ok lang. Masaya naman magbigay ng random thoughts eh. Ill try to type something ng nakapikit. Ngayon nakadilat ako and I'm typing the quick brown fox jumps over the lazy dog. Now I'll try it ng nakapikit. Here goes. The quick briwb fix jumps over the laze dih. HAHAHAHA. Anyway kung binasa mo man to, I guess I just wasted a few moments of your life. AND YOU'LL NEVER GET IT BACK, ASSHOLE.

Friday, March 13, 2009

Hello world

I deleted my old blog from this site. I'm creating a new one since I think I've managed to outgrow my past issues. This new blog, hopefully, would be a little more interesting than the old one. Let's all look at the world and laugh at how stupid we can be.