Monday, April 13, 2009

Beowulf: ang taong bakal

Sumikat ang araw... Unti unti kong dinilat ang aking mata. Pasado tanghali na pala. "Hijo de! Nahuli ba ako sa oras!? Samantalang maaga naman ako nahiga kagabi! Pasado tanghali na, nalampasan ko ang oras ng pag gising ko! Shet!", aking sinabi sa sarili. Inabot ko sa aking kanluran ang remowt kontrol. Pinindot ko ang berdeng butones nito at ilinipat ang telebisyon sa HBO. Beowulf ang palabas... Kauumpisa lang. Maganda ang babae dito. Pinanuod ko pa lalo.

Tangina ang galing nung part na nagkwento na si beowulf! Kasi ganito, 3D yung pelikula pero yung itsura nung mga karakter nakabase sa totoong itsura nung aktor na nagboboses. Andun nga si Angelina eh, halos hubad na siya dun. Lagi naman kasi gusto ng mga tao na halos hubad na siya e. Anyway, nagkwento si Beowulf. Tas sobrang tigas pala niya. As in. Tigas talaga. Nakipagswimming siya sa isang malakas din na tao. 4 na araw daw sila lumangoy. Tas pinapakita na habang lumalangoy siya, may mga sea monster na sumusubok kumain sakanya. Tangina habang nakikipagkarera siya pumapatay siya ng mga sea monster. Sobrang tigas talaga. Para siyang imortal. Tas ayun, gamit lang nyia maliit na kutsilyo para patayin yung mga monster sa sea. Sinasaksak niya sa mata. Tas may isa, linunok siya! Tas alam mo nangyari? Tumagos siya sa mata! Tangina nagulat nga ako eh. Pero keri lang. Tas ayun, eventually natalo siya. May mermaid kasi na chicks eh. Nadistract siya. Pero kahit na. Close fight parin yung langoy nila.

Ang lupit ni Beowulf. Sorbang tigas niya. Feeling ko kaya niya labanan yung mga brusko sa 300 tas mapapatumba niya lahat. Siguro mahihirapan lang siya kay Leonidas. Pero kasi pareho silang balbas sarado pati may 8 pack. Pareho pa silang King. Tangina. Close fight din yun. Pero pusta ako kay Beowulf. Beowulf ruuuuuuulz!!!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home