Wednesday, March 18, 2009

Chooooaoooaoaoaong

Malapit na matapos ang paghihirap ko. Bukas at sabado nalang, malaya nanaman, summer nanaman, kalokohan nanaman, barkada nanaman, inom nanaman, tambay nanaman, lahat nanaman. Every time parating na ang bakasyon parang napaka exciting. Naiimagine ko na gising ako hanggang 5 na umaga, nanunuod ng TV with my friends like I used to. Or minsan naman, nostalgic ako sa mga bahay ng kaibigan ko na tinatambayan ko dati tuwing summer. Or naaalala ko na nung summer nung taon na to ganito ganyan ginawa ko tas parang ang sarap nung feeling. Pero pag summer na talaga, di mo na nararamdaman yung ganung sarap. Parang wala lang. Okey, summer na, wala akong pera kasi walang baon, mga kaibigan ko asa ibang lugar nagbabakasyon kasama pamilya blah blah blah. Parang pag wala kang magawa sa iisang araw ng summer, parang ang laking kasayangan.

Sana may device na nagccapture ng nararamdaman ng isang tao at the moment. Kasi pag naaalala ko yung mga summer dati, parang napakasaya nung feeling. Pero pag iisipin ko talaga, hindi naman talaga ganun kasaya, parang lang. Kasi nakaraan eh. The best feeling in life is yung mga nakaraan. Kaya sana nga may ganung device. Para pag may current kang nararamdaman, pwede mo icapture gamit yung machine na yun. Tapos a few years into the future pag may naalala kang memory, pwede mo gamitin yung device para mafeel ulit yung feeling na nafeel mo dati. Ang saya siguro nun. Hinding hindi mo na makakalimutan mga feeling na nangyari sayo. Like yung feeling nung sinagot ka ng gelpren mo, or yung feeling nung kinasal ka, or yung feeling nung  pinanganak yung una mong anak, nung time na naospital ka, nung tinuli ka and all other feelings na once in a lifetime. Gusto ko sila icapture lahat. Kahit macapture ko lang yung feeling pag gumraduate ako. Tas pwede mo rin pala sana ishare yung feelings mo gamit yung device sa ibang tao para mafeel din nila. Kunwari gumraduate ako, tas maccapture ko yung feeling gamit yung device. Pag magkaanak na ako, ipapafeel ko sakanya yung feeling para mapursige siyang gumraduate. Edi yun. Masaya na lahat. SCHOOL SUCKS.

2 Comments:

Blogger Paolaroid said...

Haha. Naisip ko dati yung parang device thingy, pero instead na emotions, smell at taste. Parang picture pero smell at taste. Ala scratch and sniff (and taste) style.

March 23, 2009 at 4:57 PM  
Blogger louieee said...

durd gusto ko din ng device na ganon!!

March 29, 2009 at 8:51 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home